Text Jokes
Ito isa: May pumasok na magnanakaw sa Malacanang. Bigla niyang nasalubong si
Gloria at Mike Arroyo. Kumaripas ng takbo ang magnanakaw at nagsisigaw ng
“Magnanakaw! Magnanakaw!”
Ito pa rin: May pumasok na palaka sa Malacanang. Nang bilang kumukak, galit
na galit si Gloria Arroyo kasi ang sabi ng palaka, “Korap! Korap! Korap!”
Ito matindi: “Sa umpisa, ang tawag sa taong walang hiya, “Makapal”. Nang
lumala, naging “Garapal”, Ngfayon na lalong lumulubha, ang tawag ay
“Macapagal”.
Ito naman isa, “Pumunta raw si Mike Arroyo sa impyerno. Tinaning niya kay
Satanas kung pwedeng tumawag kay Gloria. Di tumawag na siya.
“Pagkatapos tiunanong niya si satanas kung magkano ang bayad kasi siyempre
long distance yun. Sabi ni Satanas, “Libre kapag devil to devil.”
Maraming jokes tungkol sa P500,000 na binigay Deputy Executive Secretary
Manuel Gaite kay Rodolfo Noel Lozada, and star witness sa maeskandalo na
NBN/ZTE deal.
Ito isa; “Need a quick P500,000 loan? Contact Mr. Manuel Gaite in
Malacanang. No questions asked. Cash always ready.
“Kidnapin ka nga lang ng PNP at PSG pagkatapos.”
At may bagong kumpanya ng pautang na pala: You are invited to the grand
opening of the Gaite Lending Inc. Zero percent interest on all “awa”
loans. Limited documentation and we deliver the money right away to your
home.
“We also do package tours to Hongkong and London on short notice through
Atienza Travel and Tours. Airport tarmac pickup upon request.
Di ba pinapatawag ng Senado ang dalawang ZTE na opisyal. Sina Yu Yong at Fan
Yang. Ayaw daw ng dalawa pumunta rito baka ma-“Lozada “ sila at ipapasyal
rin ng PSG/PNP sa Laguna at Cavite sa halip na dalhin sa Senado.